Napag-alaman kay Nargroup director Chief Supt. Reynor Gonzales na nasa proseso na sila ng pagkumpleto sa mga ebidensiya na ilalatag laban sa ilang pulitiko at artista na di muna tinukoy ang mga pangalan.
Ang mga personalidad na ito ay matagal na umanong nakaladkad sa isyu ng paggamit at pagbebenta ng droga. Sa oras umano na matapos ang monitoring operation laban sa mga ito ay agad silang dadakpin.
Nakikipag-ugnayan na ang kapulisan sa Kapisanan ng mga Artista sa Pelikulang Pilipino at Telebisyon (KAPPT) para matagumpay na maipatupad ang nasabing operasyon. (Ulat ni Joy Cantos)