Rosebud 'link' ng Triad sa RP - Acop
September 6, 2001 | 12:00am
Si Mary "Rosebud Ong ang tunay na kontak ng Hong Kong Triad drug syndicate sa Pilipinas!
Ito ang ibinatong akusasyon kahapon ni dating Narcom chief, P/Supt. Reynaldo Acop ng humarap ito sa joint committee hearing ng Senate public order, blue ribbon at national defense matapos itong dumalo para sagutin ang mga akusasyon ni Ong laban sa kanila.
Ayon kay Acop, naipasok sa bansa ang isang HK Triad member na si Chong Yuk Soy sa tulong umano ng dating lover ni Ong na si Alfred Lim ng Binondo Central Bank.
Sinabi ni Acop na ang mga ipinapasok na mga Intsik na miyembro ng sindikato ay naikukuha nila ng mga drivers license sa pamamagitan ng contact ni Ong sa LTO-España branch habang iisang travel agency ang ginagamit ng grupo sa pagpasok sa bansa bukod sa mga koneksiyon nito sa Customs kaya malayang naipapasok ang kanilang mga kargamento sa pamamagitan ng pagbibigay ng padulas sa mga opisyal dito.
Idinagdag pa ni Acop na walang kredibilidad bilang witness si Ong dahil bumagsak ito se debriefing na isinagawa dito ng US Customs Service bukod sa marami itong kasong estafa at naaresto na ito sa tangkang pagpapasok ng 30 kilo ng shabu noong 1993.
Ipinaliwanag pa nito na kalahati sa sinasabi ni Ong ay totoo at ang kalahati ay pawang kasinungalingan lamang para sirain ang pagkatao ni Senador Panfilo Lacson.
Isa anyang legitimate operations ang Oplan Athena at Oplan Cyclops taliwas sa akusasyon ni Ong na muling ibinebenta ang mga drogang nakukumpiska bukod sa binabawasan din ang mga ito at pinapalitan ng tawas.
Si Ong din umano ang nagsusuplay ng droga sa asawa ng napaslang na druglord na si Don Pepe Oyson na kinilalang si Estrelita.
Ipinaliwanag pa ni Acop na nagbigay siya ng tsekeng P2 milyon kay Rosebud dahil sa pakiusap ni Supt. John Campos bilang tulong dito upang matubos ang mga nakasanla nitong ari-arian pero nangakong ibabalik ang pera at hindi para gamitin sa pagbili ng droga gaya ng nais palabasin ni Rosebud.
Hindi umano naibalik ni Ong ang ibinigay ditong P4.5 milyon na dapat sana ay gagamitin sa buy-bust operations sa HK Triad. (Ulat ni Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended