Ang pahayag ay bunsod ng nakumpiskang sulat ng mga operatiba mula sa naarestong suspek na kinukuha umano ng grupo ng mga international terrorists ang serbisyo ni Lacson noong itoy kasalukuyan pa lamang nagsisilbi bilang police colonel sa Military Intelligence and Service Group (MISG) sa ilalim ng namayapang si Col. Rolando Abadilla na sumama sa kanilang paghahasik ng terorismo sa bansa.
Hindi naman malinaw kung tinanggap ni Lacson ang nasabing alok na pinaniniwalaaang may kapalit na malaking halaga.
"Were still investigating. Kasama iyan (involvement ni Lacson) sa tinitingnan natin. Lahat na kailangang imbestigahan na motibo, mga anggulo and other circumstances ay iniimbesigahan na natin. But we have no substantial and solid evidence about that," pahayag ni PNP chief director General Leandro Mendoza
Kahapon ay iniharap kahapon sa mediamen ang tatlong naarestong suspected international terrorists na kinilalang sina Vo Van Duc alyas Nguyen Vinh Tan, 47, Vietnamese pero isa ring US citizen; Hunynh Thuan Nngoc alyas Tom/Quyen, 42, Vietnamese at isang Swiss citizen, at ang Japanese national si Makoto ito, 62.
Gayunman nilinaw ni Mendoza na sa kasalukuyan ay wala pa namang silang matibay na impormasyong direktang magdadawit kay Lacson sa grupo ng mga international terrorists pero kapag nakakuha na sila ng matibay na ebidensiya ay mananagot ang lahat ng may kasalanan.
Sa ginanap na joint conference, sinabi ni Immigration Commissioner Andrea Domingo na sinampahan na ng kasong kriminal sa Department of Justice ang nahuling mga dayuhan kung saan ay kinumpirma ng Vietnamese Embassy na positibong mga terorista ana mga ito.
Samantala nasa hot water naman ang isang Filipinang nakilalang si Florinda Estrada-Valderama, dating operatiba ng MISG dahilan sa pagbibigay nito ng matutuluyan sa mga naarestong dayuhang suspek at may-ari ng tonwhomes na tinirhan ng mga suspek.
Si Valderama rin umano ang rumenta ng truck na ginamit sa pagbibiyahe ng mga bomba at iba pang eksplosibo sa dating tahahan ng ma suspek sa Bel-Air, Makati patungo sa tinutuluyan ng mga ito sa San Juan.
Ipaghaharap si Valderema ng kasong harboring and concealing llegal aliens na isang criminal offense at may parusang pagkabilanggo. Ito ay maliban pa sa kasong illegal possession of firearms laban kay Valderama. (Ulat ni Joy Cantos)