Pulitiko nasa likod ng banggaan ng PNP at AFP

Nagkakaisang inihayag ng mga junior at senior officers ng PNP at AFP na hindi nila hahayaang magamit sila sa "disinformation machinery" ng mga gahamang pulitiko na tila walang pakialam sukdulang maapektuhan at magkabanggaan ang AFP at PNP makamtan lamang ang kanilang pulitikal na interes na lubhang nakakaalarma na ayon sa mga ito.

Nagpahayag ng pagkadismaya ang mga junior officers sa mga nangyayaring baliktaktakan sa hanay ng military at pulisya.

Nakasama pa rito ang pagharap ng witness na si Mary "Rosebud" Ong ng akusahan nito ang ilang opisyal ng PNP na umano’y sangkot sa drug trafficking sa bansa.

Tinugon naman ito ng dating lover nitong si Supt. John Campos na ang ISAFP umano at hindi ang PNP ang sangkot sa drug trafficking kung saan ang batuhan ng mga alegasyon ay lubhang nakasira sa magkabilang hukbo.

"We the officers and men of the different uniformed services are again forced to raise our voices above the din of condition that now covers our nation and society. Once again the dark clouds of uncertainty and disunity darken the horizon. We see through the shallow ramblings of these agents of deception to drag the uniformed services into their political maneuverings," pahayag ng ipinakalat na 2-pahinang manifesto ng mga junior officers ng AFP at PNP. (Ulat ni Joy Cantos)

Show comments