Mikey hinamong kumbinsihin ang kapwa artista sa 20
August 28, 2001 | 12:00am
Hinamon ng Malacañang si Presidential Son at Pampanga Vice Governor Mikey Arroyo na tumulong sa gobyerno para ipaliwanag ang 20 porsiyentong buwis sa mga propesyunal kabilang ang mga nasa industriya ng pelikulang Pilipino.
Ayon kay Presidential Spokesman Rigoberto Tiglao, kung naniniwala si Mikey sa palakad ng kanyang inang si Pangulong Arroyo ay mas maigi kung tutulong ito na kumbinsihin ang mga kapwa artista na nagpoprotesta sa nasabing pataw na buwis.
Si Mikey ay bahagi ng industriya ng pelikula bukod pa sa pagiging anak ng Pangulo.
Ang hakbang na ito ng Palasyo ay matapos umalma at magprotesta ang mga artista sa ipatutupad na 20% withholding tax sa mga propesyunal na ang pangunahing tatamaan ay ang nasa entertainment industry o tumatanggap ng talent fee na lampas sa P150,000 kada taon.
Tiniyak ni Finance Secretary Jose Isidro Camacho na tuloy ang nasabing 20% withholding tax sa kabila ng pagtutol ng mga artista. (Ulat ni Ely Saludar)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended