Sinabi ni Oreta na ang kapabayaan ng POEA na bigyan ng komprehensibong programa ang mga seamen na siyang napagkasunduan sa nakasaad na bagong nilalaman ng International Convention on Standards, Training, Certification and Watchkeeping (ICSTCW).
Kailangang umanong kumilos ang Maritime Training Council (MTC) na nasa ilalim ng pangangasiwa ng POEA ang information campaign sa mahigit na 200,000 Pinoy seamen na kailangan i-renew nila ang kanilang Certificates of Compliance (CoC) bago sumapit ang Pebrero 1, 2002.
Nakasaad sa bagong (ICSSTCW)na kailangan ang lahat ng bansa na kasapi ng International Maritime Convention(IMC) ay sumunod sa bagong patakaran para matiyak ang kaligtasan ng mga barkong bibiyahe ganoon din ang mga sakay nito.
Sa kasalukuyan ay 60,000 seamen pa lamang ang nakasunod sa bagong direktibang dahilan sa kakulangan ng impormasyon ng POEA.
Hindi biro ang mawalan ng $ 900 milyong remittances ng mga Pinoy seamen na malaki ang naitutulong sa pag-usad ng ekonomiya ng bansa. (Ulat ni Rudy Andal)