GMA dumating na
August 27, 2001 | 12:00am
Dumating na kagabi sa bansa si Pangulong Gloria Macapagal Arroyo mula sa 5 araw na state visit nito sa Brunei at Singapore.
Itinuturing ng Malacañang na naging mabunga at matagumpay ang pagbisita ng Pangulo sa dalawang bansa na nangako ang mga lider na lalo pang pasisiglahin ang relasyon kabilang ang usapin sa kalakalan at pamumuhunan.
Sa Brunei,nagpahayag ng interes sa Pilipinas na maglalagak ng puhunan ukol sa petrochemical industry at kasunduang nilagdaan hinggil sa defense cooperation.
Isusulong din ang Brunei-Indonesia-Malaysia-Philippines o BIMP East Asian growth area na magtutulungan upang mapaunlad ang kalakalan.
Sa biyahe naman ng Pangulo sa Singapore ay nagbunga rin ito ng paglalagda ng 20 joint venture agreement kabilang ang 9 na information technology na inaasahang magsasampa ng 100 milyong dolyar na pamumuhunan.
Apat ding memorandum of understanding ang sinaksihan ng Pangulo na kinabibilangan ng usapin sa air transport,standards training,certification and watchkeeping for seafarers, turismo at renewal sa pagitan ng Singapore National Arts Council at Philippine National Commission for Culture and Arts.
Tiniyak naman ng Pangulo sa mga negosyante ng dalawang bansa na sa lalong madaling panahon ay malulutas na ang problema laban sa Abu Sayyaf. (Ulat ni Ely Saludar)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended