^

Bansa

Lacson lusot sa Kuratong!

-
Hindi na muling maisasailalim sa paglilitis si Sen. Panfilo Lacson kasama ang iba pang opisyal at miyembro ng nabuwag na Presidential Anti-Organized Crime Task Force (PAOCTF) kaugnay sa kaso ng Kuratong Baleleng case.

Sa 23-pahinang resolution na ipinalabas ng Special Third Division ng Court of Appeals (CA), binigyang-diin nito na batay sa Rule 117 Sec. 8 ng revised Rules of Criminal Procedure, lumampas na sa dalawang taon ang nasabing kaso kaya’t hindi na ito maaari pang muling buksan at muling dinggin.

"With respect to offenses punishable by imprisonment of more than 6 years, their provisional dismissal shall become permanent 2 years after issuance of the order without the case having been revive," nakasaad sa resolution.

Nakasaad pa sa resolution na kung bubuksan muli ang nasabing kaso ay maaaring maging biktima na ng double jeopardy sina Lacson at iba pa nitong kasamahan.

Ang di pagpayag ng CA na mabuksan muli ang nasabing kaso ay alinsunod sa isinumiteng motion ni Lacson sa nabanggit na korte na humihiling na ibasura ang kahilingan ng Department of Justice (DOJ) na muling mabuksan ang kaso ng Kuratong Baleleng.

Magugunita na iniakyat ni Lacson sa CA ang petition nito matapos ibasura ng Manila Regional Trial Court Branch 40 Judge Herminia Pasamba ang petition ni Lacson na magpalabas ito ng temporary restraining order (TRO) para mapahinto ang DOJ sa pagbubukas nito ng Kuratong case. (Ulat ni Grace Amargo)

COURT OF APPEALS

DEPARTMENT OF JUSTICE

GRACE AMARGO

JUDGE HERMINIA PASAMBA

KURATONG BALELENG

LACSON

MANILA REGIONAL TRIAL COURT BRANCH

PANFILO LACSON

PRESIDENTIAL ANTI-ORGANIZED CRIME TASK FORCE

RULES OF CRIMINAL PROCEDURE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with