Ayon kay Pangulong Arroyo, ito ang pinakamagandang balita na maiuuwi niya sa sambayanang Pilipino sa pagbabalik niya sa bansa matapos ang kanyang state visit.
Inatasan na ni Bolkiah ang kanyang mga investment manager na pag-aralan ang posibilidad na makisosyo sa proyektong ito.
Pinasalamatan din ng Pangulo ang pamahalaang Brunei dahil sa pagbibigay ng ikalawang tahanan sa may 20,000 manggagawang Filipino sa kanilang bansa. (Ulat ni Lilia Tolentino)