Kim Wong bumalik na

Bumalik na sa bansa kahapon ang kontrobersiyal na negosyanteng si Kim Wong matapos magpalamig sa China.

Si Kim ay umalis sa bansa noong Agosto 14, 2001 habang nasa kasagsagan ang ginagawang pagbubulgar ni Corpus hinggil sa malakihang drug deal na umano’y kinasangkutan nito at kaibigang si Lacson.

Itinanggi naman ni Kim ang paratang sa kanya at iginiit na isa lamang siyang lehitimong negosyante na may-ari ng mga restaurant at maliit na garment factory. (Ulat ni Butch Quejada)

Show comments