Ayon kay Lacson, desisyon ng partido na hindi na nito harapin sina Corpus at Ador at pinayuhan na lamang ni Minority Leader Aquilino Pimentel na dumalo na lamang sa isasagawang public hearing sa Lamitan, Basilan ngayon.
Sinabi ni Lacson na pawang kasinungalingan ang mga sinasabi nina Corpus at Ador kaya wala itong maihaharap na matibay na ebidensiya laban sa kanya. (Ulat ni Rudy Andal)