Ayon sa Indonesian leader, patuloy na sumusuporta ang kanyang pamahalaan sa pagsusulong ng kaayusan at kapayapaan sa Mindanao. Nagkasundo rin ang dalawang lider na magtulungan sa paglutas ng problema ng illegal trafficking ng maliliit na armas.
Nakatakda naman umalis ngayong umaga si Pangulong Arroyo patungong Brunei at Singapore para sa ikalawa niyang biyahe mula ng maluklok sa puwesto.
Inaasahang hihikayatin ng Pangulo ang mga negosyante sa Brunei at Singapore na mamuhunan sa Pilipinas. (Ulat ni Lilia Tolentino)