Ito ay kaugnay sa idaraos na plebisito sa Agosto 14 na mahigpit namang tinututulan ng grupo ni Misuari at nagbanta ng kaguluhan o dadanak ng dugo gayundin ang pagkilos para iboykot ang eleksiyon.
Kaya naman umapela ang Malacañang sa mga botante sa Mindanao na makiisa at lumahok sa plebisito para malaman ang kanilang boses at desisyon sa mga nasasakop ng ARMM.
Sinabi ni Press Undersecretary Roberto Capco, isang magandang pagkakataon ang plebisito dahil dito ay malalaman na kung aling mga lalawigan ang nais na masaklaw ng ARMM para na rin sa pagsusulong ng kabuhayan sa Mindanao.
Nilinaw din ng Malacañang na hindi na puwedeng iliban ang plebisito at handa na ang Comelec para dito. (Ulat ni Ely Saludar)