Ayon kay Press Undersecretary Roberto Capco, matagal nang sinusuportahan ng Palasyo ang pagkalkal sa lahat ng anomalya sa umanoy maling pamamalakad sa SSS.
Ito ang naging katugunan ng Malaçañang sa pahayag ng mga Kongresista na imbestigahan ang SSS dahil sa natuklasan nila na gumastos ang ahensiya ng P300 milyong piso noong nakalipas na dalawang pasko.
Ito ay sinimulan ng imbestigahan ni dating SSS President Vitaliano Nañagas na nagpapatupad ng reporma na umano ay naging dahilan ng pagpro-protesta ng mga opisyal at empleyado.
Kahit na wala na si Nañagas ay pina-iimbestigahan na rin ng Malacañang ang tatlong matataas na opisyal ng ahensiya sa Presidential Commission on Anti- Graft and Corruption hinggil sa anomalya. (Ulat ni Ely Saludar)