^

Bansa

3 Pinoy na nahatulan sa UAE binigyan ng pardon

-
Tatlong overseas Filipino workers (OFWs) kabilang ang dalawang Pilipina na nasentensiyahan sa United Arab Emirates (UAE) dahil sa pagnanakaw ng phone cards at paggamit ng ipinagbabawal na gamot ang makakalaya na at nakatakdang umuwi sa bansa matapos bigyan ng pardon ng pangulo ng UAE.

Ayon kay UAE Ambassador Amable Aguiluz, kinumpirma ng Al Wathba Central Prison authorities na binigyan ng amnestiya ni UAE President Sheikh Zayed bin Sultan Al Nahyan ang mga Pinoy na sina Rolando Pacleb, Divina Sebes at Maricar Colobong.

Si Pacleb ay nahatulan ng Abu Dhabi court dahil sa kasong pagnanakaw ng 63,000 piraso ng phone cards sa ETISALAT, isang telecommunication company sa UAE, habang sina Sebes at Colobong ay nahatulang makulong ng tatlong taon sa kasong paggamit ng shabu.

Nabatid na isang kaibigan ni Pacleb ang siyang magbibigay ng plane ticket para sa una upang makauwi ito ng Pilipinas, samantala ang dalawang Pinay ay humihiling naman sa Embahada ng Pilipinas sa UAE na tustusan ang kanilang repatriation.

Sinabi ni Aguiluz na aabutin sa US$660 (P33,000) ang halaga ng plane ticket ng dalawa.

Bagamat may nakalaan na US$443 para sa standby repatriation funds ay kulang pa ito sa kakailanganing halaga nina Sebes at Colobong.

Dahil dito, nanawagan si Aguiluz sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na mag-ambag para makahanap pa ang Embahada ng $2,000 para sa standby repatriation funds. (Ulat ni Ellen Fernando)

vuukle comment

ABU DHABI

AGUILUZ

AL WATHBA CENTRAL PRISON

AMBASSADOR AMABLE AGUILUZ

COLOBONG

DIVINA SEBES

ELLEN FERNANDO

EMBAHADA

MARICAR COLOBONG

OVERSEAS WORKERS WELFARE ADMINISTRATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with