GMA aapela sa Malaysia ukol sa 6 Pinoy na bibitayin
August 8, 2001 | 12:00am
KUALA LUMPUR, Malaysia (via PLDT) - Posibleng umapela si Pangulong Arroyo kay Prime Minister Mahathir Mohamad para babaan ang sentensiya ng anim na Pilipinong nasentensiyahang mabitay sa Sabah dahil sa drug trafficking at gun running.
Ayon kay Philippine Ambassador to Malaysia Jose Brillantes, ang anim na Pinoy ay nakakulong sa Sabah noon pang 1999.
Tumanggi si Brillantes na pangalanan ang anim maliban sa pagsabing mahigpit ang pagmonitor dito ng embahada ng Pilipinas.
Ipinaliwanag ni Brillantes na wala pa namang binibitay na Pinoy ang Malaysia dahil sa pangambang sapitin nito ang batikos tulad ng inabot ng Singapore matapos na igawad ang parusa sa Filipina maid na si Flor Contemplacion.
Sinabi pa ng ambassador na makabubuti sa kaso ng anim na Pinoy ang nasabing state visit ng Pangulo para maisulong ang posibleng clemency at makaligtas sa parusang kamatayan bagamat hindi pa naitakda ang execution.
Ibinunyag din ni Brillantes na aabot sa halos kalahating milyon na Filipino sa Sabah ang walang kaukulang dokumento na itinuturing na iligal ang pananatili. (Ulat ni Ely Saludar)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended