^

Bansa

31 dinukot, 5 pinugutan ng Abu Sayyaf

-
Bilang sagot sa massive crackdown na ipinatutupad ng pamahalaan laban sa kanilang grupo, muling sumalakay ang tinatayang mahigit 30 armado at maskaradong mga bandidong miyembro ng Abu Sayyaf at dumukot ng 31 katao kung saan lima sa mga hostages ang pinugutan ng ulo matapos salakayin ang mga kabahayan at manunog ng eskuwelahan sa isang liblib na barangay sa panibagong insidente ng paghahasik ng terorismo sa lalawigan ng Basilan kamakalawa ng gabi.

Sa ulat na natanggap kahapon ni Armed Forces of the Philippines Gen. Diomedio Villanueva, dakong alas-8 ng gabi nang salakayin ng mga armadong Abu Sayyaf na pawang naka-bonnet at nakasuot ng sweat shirt na kulay itim ang mga kabahayan sa Sto. Campo 3 at Sitio Baguiniao, pawang nasasakupan ng Brgy. Balobo sa bayan ng Lamitan ng nasabing lalawigan.

Sinabi ni AFP spokesman Brig. Gen. Edilberto Adan na sa kabuuang 31 kataong dinukot, sampu pa ang hawak ng mga bandido, 11 ang nakatakas, anim ang nawawala at apat ang narekober na pugot ang ulo.

Iniulat naman ng Philippine National Police (PNP) na lima ang pinugutan ng ulo ng mga bandidong Abu Sayyaf bagaman bineberipika pa ang pangalan ng isa pang biktima.

Ayon kay Adan, ang ginawang pag-atake ng mga bandido sa Lamitan ay upang ilihis ang atensyon ng tropa ng pamahalaan na nagsasagawa ng operasyon sa Basilan.

Ilan lamang sa mga kinidnap ang nakilala na sina Alexander Ramirez, Susan Ramirez, Dodo Ramirez, Totoy Ramirez, Cesar Ramirez, Boogie/Bobong Ramirez, Jay-an Ramirez, Ian Osain, Crizel Ramirez, Avelino Ramirez, Elmer Natalaray, Cely Ramirez, Henry Revillas, Ginalyn Santos at Dandi Revillas.

Kabilang din sa mga kinidnap ay ang mag-asawang tinukoy lamang sa pangalang Glenda at Lito kasama ang kanilang apat na anak gayundin ang isang tinukoy sa pangalang Ponciano "Quiano" Cristobal.

Samantala, nakatakas naman ang 11 sa hostages kabilang ang isang nagngangalang Glenda Ramirez, Boogie Ramirez at Ian Osain Remullos, 17, estudyante sa Lamitan National High School.

Samantala, ang asawa ni Ginalyn na si Antonio Santos na tinaga umano sa leeg at kamay ng mga bandido ay iniulat na nasawi na rin.

Ayon sa salaysay sa mga awtoridad ng nakatakas na si Remullos, apat sa mga hostages ang pinatay sa taga ng kanilang mga abductors saka iniwan sa daan pero hindi niya nakilala ang mga ito at nakaligtas lamang umano siya matapos manlaban sa humahawak sa kanyang bandido.

Sinabi nito na karamihan umano sa kanilang mga abductors ay mga kabataan na pinaniniwalaang mga bagong recruits ng Abu Sayyaf kung saan ilan sa mga lalaking hostages ay pinakakawalan saka hinahabol at pinapatay sa taga kapag naabutan. Sa nasabing insidente ay apat ang inabutan at pinugutan ng ulo ng mga bandido kung saan narekober ang bangkay ng mga ito kinaumagahan ng mga nagrespondeng operatiba ng pulisya at CAFGU.

Kinilala ang mga hostages na napugutan ng ulo na sina Ronald Roxas, Avelino Ramirez, Elmer Natalaray, Ponciano Cristobal at Feliciao Ramones na nakuha ang bangkay sa pagitan ng alas-6 at alas-7 ng umaga sa hangganan ng Brgy. Balobo at Limook.

Si Remullos ay nakatakas bandang alas-11 ng gabi habang kinakaladkad ng mga armadong kidnaper sa bahagi ng Sitio Batacan mula sa paglalakad ng mga ito sa Brgy. Balobo.

Ayon pa rito, Tausug ang diyalekto ng mga kidnaper kung saan narinig niyang sinabi ng mga ito na sila’y mga tauhan ni Ghalib Andang alyas Commander Robot na ipinalalagay namang pakana ng grupo ni Abu Sayyaf spokesman Abu Sabaya.

Base sa report, ginulantang na lamang ang mga residente rito sa pagsalakay ng mga bandido na isa-isang niransak ang kanilang mga kabahayan at tinangay ang makursunadahang bihagin.

Hindi pa nakuntento bago tuluyang tumakas ay sinunog pa ng mga bandido ang tatlong gusali ng isang eskuwelahan sa Limook Elementary School ng nasabing munisipalidad.

Magugunita na inatake ng mga bandido ang St. Peter Parish Church at Dr. Jose Torres Hospital nitong nakalipas na Hunyo 2 kung saan tinangay ang apat na staff ng ospital mula sa orihinal na 200 kataong hinostage na kinabibilangan ni Fr. Cirilo Nacorda.

Idinispatsa na ng Joint Task Force Comet ang mga operatiba ng 18th Infantry Battalion (IB) ng Phil. Army upang tugisin ang mga kidnaper habang nagsasagawa naman ng blocking position ang mga tauhan ng 1st Basilan CAFGU Company sa Brgy. Balobo upang harangin ang mga bandido.(Ulat ni Joy Cantos)

ABU SAYYAF

AVELINO RAMIREZ

AYON

BALOBO

BANDIDO

BASILAN

BRGY

ELMER NATALARAY

RAMIREZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with