Kahapon ng umaga, hindi na umattend sa kanilang flag raising ceremony ang naturang mga empleyado na kinabibilangan ng matataas na opisyal ng SSS.
Sa panig ng SSS management, kahit na may mass walkout, hindi naman umano maaapektuhan ang mga serbisyo sa libu-libong miyembro nito.
Nabatid sa information office ng SSS, may skeletal force na nakatalaga sa ibat ibang tanggapan ng ahensiya na magseserbisyo sa mga miyembro nito na may transaksiyon dito.
Nagbanta ang mga empleyado na hindi sila babalik sa kani-kanilang mga trabaho hanggat hindi nililisan ni Nañagas ang puwesto at ihahayag ng pamahalaan na walang magaganap na pagsasapribado ng naturang ahensiya.
Higit na ikinagalit ng mga empleyado ng SSS ang pagpapadala ni Nañagas ng sariling tauhan mula sa Phil. Stock Exchange na pinasasahod ng mahigit sa P100,000 gayung napakaraming mga manggagawa nito ang hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa natatanggap ang kanilang benepisyo at mga allowance.
Sa Malakanyang, nakatakdang ihayag kung tatanggalin sa puwesto si Nañagas gaya ng hinihingi ng mga nagdedemonstrasyong kawani nito.
Ang reklamo ng SSS employees ay iniimbestigahan na ni Finance Secretary Jose Isidro Camacho at nakatakda itong makipagkita sa Pangulo para iharap ang binuo niyang solusyon sa problema. (Ulat nina Angie dela Cruz, Lilia Tolentino at Ely Saludar)