^

Bansa

Senador Angara reresbakan ng Malacañang

-
Naghahanap ngayon umano ng butas ang Malacañang sa mga miyembro ng oposisyon sa senado partikular na kay Senador Edgardo Angara na dating secretary ng Department of Agriculture (DA) dahil umano sa ginagawa nitong pagbatikos sa pamahalaang Arroyo.

Natuklasan kahapon ng mga miyembro ng oposisyon sa senado na may balak umano ang Malacañang na gumanti sa kanilang hanay dahil sa pagkapikon ng mga ito sa ginagawang pagbatikos kay Pangulong Gloria Macapagal Arroyo ni Sen. Angara nang magbigay ito ng kontra-SONA sa senado.

Ayon sa kampo ng oposisyon, kinakalkal umano ngayon ng Malacañang ang nakabimbing unliquidated funds report sa Commission on Audit (COA) noong panahon na kalihim pa si Sen. Angara sa DA.

Layunin umano na sirain ang imahen ni Angara at iba pang miyembro ng oposisyon sa taumbayan para iligaw umano ang atensyon sa nakatakdang pasasabuging "Guns of August" ng oposisyon sa susunod na buwan.

Sinabi naman ni Angara na ang balak ng Malacañang ay desperadong hakbang na naglalayon lamang na iligaw ang publiko mula sa kahiya-hiyang pagkakamali ng pamahalaang Arroyo sa loob ng 6 buwan nitong panunungkulan. (Ulat ni Rudy Andal)

ANGARA

AYON

DEPARTMENT OF AGRICULTURE

GUNS OF AUGUST

LAYUNIN

MALACA

NAGHAHANAP

PANGULONG GLORIA MACAPAGAL ARROYO

RUDY ANDAL

SENADOR EDGARDO ANGARA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with