^

Bansa

Taumabayan di oposisyon ang pakinggan - KMU

-
Hinikayat kahapon ng Kilusang Mayo Uno (KMU) si Pangulong Arroyo na bigyan ng higit na bigat at pakinggan ang advice dito ng taumbayan at hindi ang payo ng oposisyon na tumutuligsa sa nilalaman ng SONA nito kamakailan.

Ayon kay Crispin Beltran, pangulo ng KMU at Bayan Muna Representative-elect, mas kailangan paniwalaan ng Pangulo ang ipinapayo dito ng mamamayang Pilipino kaysa sa oposisyon dahil ang taumbayan lamang ang nakakaramdam ng mga bagay na maaaring bigyang kalutasan ng pamahalaan.

Higit sa lahat, sinabi din ng KMU na dapat pakinggan ni Pangulong Arroyo ang iba’t ibang sector at ang mga grupong nagpakahirap nang ipaglaban ang karapatan sa naganap na Edsa 2.

"Pero pinili niyang pakinggan ang military, malalaking negosyo at mga finance institution tulad ng IMF-World Bank, WTO at ADB," pahayag ni Beltran.

Ayon dito, panahon na upang mag-isip ang Pangulo kung sino ang mga taong dapat niyang sundin at papakinggan kung nais niyang magkaroon ng kapayapaan at pag-unlad ang bansa.

Kaugnay nito, kinondena din ng mga militanteng grupo si Sen. Edgardo Angara at mga kasamahan nito sa oposisyon dahil sa paggamit ng mga ito sa taumbayan sa kanilang mga pagpapahayag laban sa pamahalaan.

Ayon sa KMU, walang karapatan ang oposisyon na gamitin ang mahihirap na mamamayan sa kanilang mga inilalatag na usapin dahil ang oposisyon kasama na ang kanilang dating ‘‘boss’’ na si dating President Estrada ay nagtaksil sa bayan at hindi naipatupad ang mga pangakong kaunlaran. (Ulat ni Angie dela Cruz)

vuukle comment

AYON

BAYAN MUNA REPRESENTATIVE

CRISPIN BELTRAN

EDGARDO ANGARA

KILUSANG MAYO UNO

PANGULO

PANGULONG ARROYO

PRESIDENT ESTRADA

WORLD BANK

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with