^

Bansa

Pag-oopisina ni GMA sa DA publicity lang - Bayan Muna

-
Publicity lang ang ginagawang pag-oopisina ni Pangulong Arroyo sa tanggapan ng Department of Agriculture at hindi para sa kapakanan ng mga magsasaka.

Ayon kay Bayan Muna Party List Rep. Crispin Beltran, hindi mareresolba ang problema ng mga magsasaka sa ginawang paglipat ng opisina ng Pangulo dahil hindi naman nito binago ang kanyang agenda hinggil sa agrikultura.

"Kahit saan pa siya mag-opisina kung patuloy naman niyang isusulong ang liberalization ng agriculture industry imbes na land distribution, walang mangyayari sa problema ng mga magsasaka," ani Beltran.

Ang agriculture plan umano ng gobyerno ay nakabatay sa programang isinusubo ng Asian Development Bank (ADB) at ng World Bank.

"Hindi ito magdudulot ng rural recovery dahil gagawin lang haven ng transnational business ang Pilipinas at siguradong ito ang magwawasak sa resources ng bansa," pahayag ni Beltran.

Isa umano si Pangulong Arroyo sa dapat sisihin sa dinaranas na problema ng agricultural sector dahil isa ito sa nagratipika sa General Agreement in Tariffs and Trade (GATT) at liberalisasyon ng ilang produktong pangsakahan noong 1995 na isa pa lamang siyang senadora.

Nakikita umano ngayon na lalong naging backwards o makaluma ang produksyon at ani ng mga magsasaka kaya inaangkat sa ibang bansa ang ilang produktong pang-agrikultura. (Ulat ni Malou Rongalerios)

vuukle comment

ASIAN DEVELOPMENT BANK

BAYAN MUNA PARTY LIST REP

BELTRAN

CRISPIN BELTRAN

DEPARTMENT OF AGRICULTURE

GENERAL AGREEMENT

MALOU RONGALERIOS

PANGULONG ARROYO

TARIFFS AND TRADE

WORLD BANK

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with