^

Bansa

Malacañang, nagbabala sa pagtatayo ng MILF camps

-
Pinangangambahang madiskaril ang usapang pangkapayapaan sa pagitan ng pamahalaan at Moro Islamic Liberation Front (MILF), ito ay matapos na magbabala ang Malacañang sa MILF hinggil sa pagtatayo umano ng mga panibagong military camps bilang pagpapalakas sa kanilang grupo.

Ayon kay Presidential Spokesman Rigoberto Tiglao, sakaling totoo ang ulat ay labag ito sa inisyal na kasunduan ng MILF at gobyerno na naunang nilagdaan sa Tripoli agreement kung saan napagkasunduan din ang tigil-putukan. Napaulat na tinatayang tatlong kampo ng MILF ang itinatag umano sa central Mindanao para palakasin ang kanilang bargaining position sa isinusulong na peace talks.

Muling maghaharap ang gobyerno at MILF sa susunod na linggo sa Malaysia para maisulong at balangkasin ang pormal na kasunduan ng magkabilang panig at wakasan ang labanan sa Mindanao. (Ulat ni Ely Saludar)

vuukle comment

AYON

ELY SALUDAR

MALACA

MILF

MINDANAO

MORO ISLAMIC LIBERATION FRONT

NAPAULAT

PINANGANGAMBAHANG

PRESIDENTIAL SPOKESMAN RIGOBERTO TIGLAO

ULAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with