Ayon kay Cagayan de Oro Rep. Constantino Jaraula, maraming mga mambabatas ang napangakuan ng komite at hanggang ngayon ay umaasa ang mga ito na magkakaroon ng mataas na posisyon sa komiteng ibibigay sa kanila.
Ang mga komiteng inaasahang hahatiin sa dalawa ay ang House Committee on Transportation and Communication at Agriculture Committee. Ihihiwalay sa agriculture committee ang committee on aquatic and food security. Ang transportation committee ay ihihiwalay naman sa communication and information technology.
Hiwalay sa regular na sahod na tinatanggap ng isang congressman ang sahod na tatanggapin nito bilang chairman ng isang committee. Mayroon din umanong sariling budget ang mga komite para sa isinasagawa nilang hearing o pagdinig sa mga isinasampang panukalang batas.
Tinataya ni Jaraula na ang bawat committee ay pinopondohan ng mula P200,000 P300,000 bawat buwan para sa kanilang staff at pagsasagawa ng public hearing. Kalimitan na ginagawa ang mga public hearings ng ilang komite sa mga mamahaling hotel gaya ng Rembrandt, Sulu, Tivoli Royal at Manila Hotel.
Mismong ang Pangulo ang pumuna sa mga mambabatas hinggil sa pagdaraos ng mga public hearing sa mga mamahaling hotel. (Ulat ni Malou Rongalerios)