Panggagahasa sa nurse na bihag nasaksihan ng hostage na pari
July 19, 2001 | 12:00am
Nasaksihan ng nakalayang paring Katoliko ang ginawang panggagahasa ni Abu Sayyaf spokesman Abu Sabaya sa isa sa dalawang nurse na bihag ng mga bandido sa Basilan.
Sa pahayag ng isang mataas na opisyal ng AFP, nakita ni Father Rene Enriquez, assistant priest ni Father Louie Nacorda sa Saint Peters Church sa Basilan, ang nangyaring rape sa nurse.
Nabatid na mula sa katabing simbahan ay tinangay ng mga ASG ang nasabing pari patungo sa Jose Torres Memorial Hospital at doon binugbog.
Habang nagaganap ang pagpapahirap sa pari, nasa kabilang kuwarto na nahaharangan lamang ng kurtina si Sabaya na nakitang pumaibabaw sa nurse at ginahasa.
Matapos gahasain, tinangay ni Sabaya ang babae patungo sa kabugatan ng Basilan at isinama rin ang tatlo pang staff ng hospital.
Naganap ang nasabing krimen noong gabi ng Hunyo 2 ng magkasabay na lusubin ng may 100 Abu Sayyaf ang ospital at simbahan sa Lamitan.
Bagamat saglit na binihag ay agad ring pinakawalan ng mga ASG ang ilang pari at madre na nadatnang nagdarasal ng mga Abu Sayyaf ng pasukin ang simbahan.
Una nang inamin ng isa sa mga lalaking bihag mula sa Sipadan, Malaysia na pinagsasamantalahan ng mga Abu Sayyaf ang ilan sa mga babaeng naunang bihag ng Sayyaf. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended
November 25, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am