Nani tinawanan lang ni Cuevas
July 14, 2001 | 12:00am
Tinawanan lamang kahapon ni dating Supreme Court Associate Justice Serafin Cuevas si Department of Justice (DOJ) Secretary Hernando Perez kaugnay sa isinusulong nitong diskuwalipikasyon laban sa kanya.
Sinabi ni Cuevas na takot lamang ang prosekusyon dahil sa puro batikan ang line-up na abogado ni Estrada at nangangamba silang itaob ng depensa.
Nilinaw ni Cuevas, na dati ring kalihim ng DOJ, na mali ang interpretasyon ni Perez sa Republic Act 910 dahil sa pinagsama nito ang dalawang kondisyon ng nasabing batas.
"The two conditions are first civil case where government is an adverse party and second criminal case where public officer/employee accused of an offense in relation to his office. But they considered Erap and Jinggoy as civilians, so anong problema," ani Cuevas.
Kaugnay naman sa sinasabing pagtanggap nito ng pension, iginiit ni Cuevas na hindi pensyon ang kanyang natatanggap na P53,800 kada buwan kundi refund of retirement at gratuity pay na kinaltas sa kanyang suweldo.
Nilinaw pa ni Cuevas na hindi niya bibitawan ang kaso laban kay dating Pangulong Estrada kahit na wala siyang natatanggap na suweldo buhat sa dating pangulo.
Itinanggi rin ni Cuevas na ang pagtanggap niya bilang abogado ni Estrada ay walang kinalaman sa kanyang relihiyon bilang miyembro ng Iglesia ni Cristo (INC).
Matatandaan na ang simbahang Iglesia ni Cristo ang siyang sumuporta umano sa dating pangulo noong panahon ng presidential election.
Magugunita na una nang binatikos ni Perez si Cuevas dahil labag umano sa batas ang ginawang pagtanggap nito bilang abogado ni Estrada.
Iginiit in Perez na batay sa Republic Act 910, bawal sa isang dating mahistrado ng Korte Suprema at Court of Appeals (CA) na tumayo bilang abogado ng isang maituturing na kalaban ng gobyerno. (Ulat ni Grace Amargo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended