Sa kanyang public plea, nagmakaawa si Sef sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon sa krimen na tulungan siyang mahuli ang mga pumatay sa kanyang amang si Teddy, 46; inang si Loiva, 43, at kapatid na si Claudine, 18.
Sa kasalukuyan ay wala pa ring naituturong suspek sa pagpatay ang Australian authorities .
Ayon sa kaanak ng pamilya Gonzales sa Baguio City, wala pa silang natatanggap na impormasyon mula sa Embahada ng Australia tungkol sa motibo ng pagpatay.
Nanawagan naman si Vice President Teofisto Guingona sa mga Pinoy sa Australia na magpakahinahon matapos lumabas ang balitang racial discrimination ang lumalabas na motibo sa pagmasaker.