Gloria Lavandera rolling stores

Pinadaragdagan ng Pangulong Gloria Macapagal Arroyo sa 300 ang rolling stores ng National Food Authority na nagbebenta ng murang paninda sa mga mamamayan sa mahihirap na lugar.

Kung noon ay tinatawag na Erap rolling stores ito, ngayon ay tatawaging Gloria Lavandera rolling stores.

Sa ginagawa ngayon ng Pangulo, ganap ng naniniwala ang masa na tapat ito sa kanyang layuning maiangat ang kabuhayan ng mahihirap. (Ulat ni Lilia Tolentino)

Show comments