Tiniyak ng AFP: Janjalani, Sabaya malapit nang mabitag
July 11, 2001 | 12:00am
Inaasahang susunod nang mahuhulog sa kamay ng batas ang mga bandidong sina Abu Sayyaf leader Khadaffy Janjalani at ang Spokesman na si Abu Sabaya.
Ito ang kumpiyansang tinuran kahapon ni AFP Spokesman Brig. Gen. Edilberto Adan at Army Commanding General Lt. Gen. Jaime Delos Santos matapos iharap sa mamamahayag si Nadzmi Sabdulla alyas Commander Global, chief of staff ng Abu Sayyaf Group sa Philippine Army Headquarters sa Fort Bonifacio, Makati City.
Sinabi ni Adan na hindi magtatagal ay maaaresto na nila sina Janjalani at Sabaya na napaulat na nakatakas sa kordon ng militar. Si Sabaya ay nagsusuot umano ng damit pambabae habang si Janjalani naman ay nagbago ng kanyang aura para hindi makilala ng mga tumutugis na militar.
Ang dalawang mataas na lider ng Abu Sayyaf ay nagpapabalik-balik lang umano sa Zamboanga at Basilan.
Inihayag rin ni Adan na sa kasalukuyan ay umaabot na sa 11 ang naarestong opisyal at tauhan ng Abu Sayyaf matapos magpalabas ng reward system ang pamahalaan para sa agarang pagdakip sa mga lider at miyembro ng mga bandido.
Dumaranas sa kasalukuyan ng malaking dagok ang liderato ng Abu Sayyaf dahilan sa pagkakaaresto ng isa sa mga kinikilalang lider ng grupo.
Nilinaw naman ni Delos Santos na walang nangyaring agawan ng kredito sa pagitan ng PNP at AFP sa pagkakaaresto kay Global na may patong sa ulo na P5M at sa tatlong tauhan nito na sina Halik Sabdani alyas Abujar; Saltimar Sali alyas Toto at Javier Sampang Sumhagan alyas Abu Kahir na kapwa may P1M patong sa ulo.
Gumagala ngayon ang ilang tauhan ng mga bandidong Abu Sayyaf sa General Santos City upang maghiganti sa ilang sibilyan na nagbigay ng tip sa mga awtoridad sa hideout nina Global at tatlong tauhan kaya nadakip ang mga ito.
Ayon sa nakalap na ulat, balak maghiganti ng mga bandidong grupo sa ilang indibidwal na nagturo sa kinaroroonang lugar nina Global at sa tatlong tauhan nito.
Kaya naman nangako ang pamunuan ng PNP at AFP na gagawin nila ang lahat ng paraan upang maging confidential ang pagkakilanlan ng mga sibilyan na nagturo sa kinaroronan nina Global.
Si Global ay apatnaput limang araw na masusing surveillance at dragnet operations ang isinagawa ng mga militar bago ito ay tuluyang nalambat.
Positibo naman si Delos Santos na makukuha nila ang 90 araw na deadline para maubos ang bandidong grupo at isa na rito ang nalalapit na araw para malambat sina Janjalani at Sabaya. (Ulat ni Joy Cantos)
Ito ang kumpiyansang tinuran kahapon ni AFP Spokesman Brig. Gen. Edilberto Adan at Army Commanding General Lt. Gen. Jaime Delos Santos matapos iharap sa mamamahayag si Nadzmi Sabdulla alyas Commander Global, chief of staff ng Abu Sayyaf Group sa Philippine Army Headquarters sa Fort Bonifacio, Makati City.
Sinabi ni Adan na hindi magtatagal ay maaaresto na nila sina Janjalani at Sabaya na napaulat na nakatakas sa kordon ng militar. Si Sabaya ay nagsusuot umano ng damit pambabae habang si Janjalani naman ay nagbago ng kanyang aura para hindi makilala ng mga tumutugis na militar.
Ang dalawang mataas na lider ng Abu Sayyaf ay nagpapabalik-balik lang umano sa Zamboanga at Basilan.
Inihayag rin ni Adan na sa kasalukuyan ay umaabot na sa 11 ang naarestong opisyal at tauhan ng Abu Sayyaf matapos magpalabas ng reward system ang pamahalaan para sa agarang pagdakip sa mga lider at miyembro ng mga bandido.
Dumaranas sa kasalukuyan ng malaking dagok ang liderato ng Abu Sayyaf dahilan sa pagkakaaresto ng isa sa mga kinikilalang lider ng grupo.
Nilinaw naman ni Delos Santos na walang nangyaring agawan ng kredito sa pagitan ng PNP at AFP sa pagkakaaresto kay Global na may patong sa ulo na P5M at sa tatlong tauhan nito na sina Halik Sabdani alyas Abujar; Saltimar Sali alyas Toto at Javier Sampang Sumhagan alyas Abu Kahir na kapwa may P1M patong sa ulo.
Ayon sa nakalap na ulat, balak maghiganti ng mga bandidong grupo sa ilang indibidwal na nagturo sa kinaroroonang lugar nina Global at sa tatlong tauhan nito.
Kaya naman nangako ang pamunuan ng PNP at AFP na gagawin nila ang lahat ng paraan upang maging confidential ang pagkakilanlan ng mga sibilyan na nagturo sa kinaroronan nina Global.
Si Global ay apatnaput limang araw na masusing surveillance at dragnet operations ang isinagawa ng mga militar bago ito ay tuluyang nalambat.
Positibo naman si Delos Santos na makukuha nila ang 90 araw na deadline para maubos ang bandidong grupo at isa na rito ang nalalapit na araw para malambat sina Janjalani at Sabaya. (Ulat ni Joy Cantos)
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended