^

Bansa

Lacson hinamon si Ador

-
"Face me like a man!"

Ito ang mariing hamon kahapon kay Sen. Panfilo Lacson nang lumantad na civilian agent ng binuwag na Presidential Anti-Organized Crime Task Force na si Angelo Manaway alyas Ador makaraang pumasa ito sa lie detector test matapos sabihang sinungaling kaugnay ng ginawa nitong pagbubulgar sa umano’y katiwalian ng dating PNP chief.

Hinamon din ni Ador si Lacson na magpakalalaki at sumailalim sa lie detector tests para madetermina kung sino sa kanila ang sinungaling.

Sa isang press conference kahapon sa ISAFP compound kung saan pansamantalang kinakanlong si Ador, sinabi nito na bagamat isang malaking insulto sa kanya ay sumailalim siya sa psychiatric at drug tests para lamang mabunyag ang katotohanan partikular sa illegal drug activities ng binuwag na PAOCTF na pinamumunuan noon ni Lacson.

Nagpahayag naman si ISAFP chief, Col. Victor Corpuz na handa siyang magbitiw o magretiro sa puwesto sa oras na mapatunayan ni Lacson na siya nga ang nasa likod ng paglutang ni Ador. Pinayuhan na lamang niya si Lacson na tumigil sa pagbibigay ng kung anu-anong pahayag at sa korte na lamang sila magtuos. (Ulat ni Joy Cantos)

ANGELO MANAWAY

HINAMON

JOY CANTOS

LACSON

NAGPAHAYAG

PANFILO LACSON

PINAYUHAN

PRESIDENTIAL ANTI-ORGANIZED CRIME TASK FORCE

ULAT

VICTOR CORPUZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with