^

Bansa

Pagbabago ng school calendar binuhay

-
Dahil sa nararanasan na namang matinding pagbaha sa kalakhang Maynila sanhi ng dumaraang mga bagyo sa bansa, muling binuhay kahapon sa Kongreso ang pagbabago ng "school calendar."

Sa House Bill No. 428 ni Pampanga Rep. Oscar Rodriguez, sinabi nito na tuwing panahon ng tag-ulan ay matinding trapik at baha ang pangunahing nagiging problema ng mga estudyante kaya kalimitang hindi nakakapasok ang mga ito.

Nais ni Rodriguez na ilipat ang school calendar mula sa Hunyo hanggang Marso sa Setyembre hanggang Mayo.

Sakop ng panukala ang mga mag-aaral sa elementary, high school at maging sa kolehiyo.

Ayon pa kay Rodriguez, hindi lamang mga mag-aaral sa Maynila ang naapektuhan ng palaging pag-ulan kundi maging mga estudyante sa probinsiya, partikular sa Central Luzon.

Hanggang sa kasalukuyan ay patuloy pa ring rumaragasa ang lahar mula sa Mt. Pinatubo tuwing magkakaroon ng bagyo at matinding pagbuhos ng ulan. (Ulat ni Malou Rongalerios)

AYON

CENTRAL LUZON

DAHIL

HANGGANG

MALOU RONGALERIOS

MAYNILA

MT. PINATUBO

OSCAR RODRIGUEZ

PAMPANGA REP

SA HOUSE BILL NO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with