Happy hours hanggang ala-una na lang

Masamang balita sa mga kalalakihan na mahilig magpunta sa mga night club.

Hanggang ala-una na lamang ang magiging happy hours nila dahil hanggang dito lamang papayagang bukas ang mga night clubs, cocktail lounge, bars at mga katulad na establisimiyento kapag naging ganap na batas ang panukala ni Northern Samar Harlin Cast Abayon. Ikinatuwiran ni Abayon na ang mga nasabing lugar ay pinag-uugatan ng krimen lalo na kung nalalasing ang mga parokyano ng isang club.

Papayagan lamang umanong magbukas ang mga nabanggit na establisimiyento mula alas-singko ng hapon hanggang ala-una ng madaling araw. (Ulat ni Malou Rongalerios)

Show comments