'Kanto boys' bigyan n'yo ng trabaho
July 3, 2001 | 12:00am
Nanawagan si Pangulong Arroyo sa mga negosyante na bigyan ng pagkakataong makapagtrabaho ang mga tinatawag na tambay sa kanto o "kanto boys" na tinatayang may bilang na 300,000 upang ang mga kabataang ito na walang pinagkakakitaan at hindi nagsisipag-aral ay maging kapaki-pakinabang.
Ang pakiusap ay ginawa ng Pangulo sa mga miyembro ng League of Corporate Foundations na dumalo sa seremonya ng pagbubukas ng Corporate Social Responsibility Week.
"Ang mga tinatawag nating ‘kanto boys’ kung hindi mabibigyan ng emergency employment ay palaging magiging pambala ng kanyon ng mga pulitikong nag-aambisyon," wika ng Pangulo.
Sinabi ng Pangulo na ang mga kabataang hindi na nag-aaral sa Metro Manila ay dapat organisahin bilang isang grupong puwedeng magkumpuni ng tumutulong bubong o sirang pasilidad ng komunidad o maglinis ng baradong kanal at hindi isang organisasyon ng mga kilabot na grupo na nagsesesyon ng droga, nagsasagawa ng panggagahasa, o panghoholdap.
Binanggit ng Pangulo na habang ang pamahalaan ay bumabalangkas pa lamang ng mga reporma para malabanan ang kahirapan, kailangang magsagawa ang kanyang administrasyon ng isang sistema ng emergency employment para mapayapa ang "social volcano."
Ang programa sa pagkakaloob ng pangmadaliang empleyo sa mga kabataang ito ay ipapailalim sa Department of Interior and Local Government at PNP.
Ang emergency employment ng Pangulo ay may pagkakahawig sa Emergency Employment project ng yumao niyang amang si dating Pangulong Diosdado Macapagal at ng administrasyon ni dating US President Franklin Roosevelt.
Ang League of Corporate Foundation ay itinatag ng mga executives ng Ayala Foundation na kinabibilangan ngayon ni Presidential Management Staff head Vicky Garchitorena. (Ulat ni Lilia Tolentino)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest