^

Bansa

Paliwanag sa PCIJ report hingi ng Pangulo

-
Pinagpapaliwanag ni Pangulong Arroyo ang Philippine Air Force at Defense department hinggil sa alegasyon sa report ng Philippine Center for Investigative Journalism (PCIJ) na nakahimpil ang US firm Lockheed Martin Corp. sa bahagi ng lupang pag-aari ng PAF sa Clark Air Base sa Pampanga ng walang legal lease o rental contract.

Sa report ng PCIJ, ibinebenta umano ng Lockheed Martin sa PAF ang apat na lumang C-130 at dalawang sensor equipment na nagkakahalaga ng $41 million.

Ang C-130 project ay hindi pa aprubado pero inilipat na ng Lockheed sa Clark ang kanilang pasilidad at tauhan.

Ayon naman kay Defense Secretary Angelo Reyes, makabubuti sa AFP modernization program ang naturang kasunduan, pero sinabi ng Malakanyang na kailangan linawin ang ilang detalye sa agreement.

Kasabay nito, inaasahang maipagkakaloob ng US sa AFP ang isang C-130 para maidagdag sa nag-iisang C-130 na ginagamit ng Air Force sa paghahatid ng mga relief goods tuwing may kalamidad.

Ang mga papeles ng donasyon ng C-130 ay kasalukuyan nang tinatapos sa US Congress.

Inaasahan rin ang pagdating ng limang Huey helicopters na hiningi ng AFP sa US. Pumayag ang Pangulo na magkaroon ng mahusay na aerial surveillance hindi lang sa pagsugpo sa kidnapping kundi para din sa illegal na pangingisda sa karagatang saklaw ng teritoryo ng Pilipinas.

At para magamit sa modernisasyon ng PAF, inatasan ng Pangulo ang Defense department na ibenta ang kanyang Presidential plane. (Ulat nina Ely Saludar/Lilia Tolentino)

AIR FORCE

ANG C

CLARK AIR BASE

DEFENSE SECRETARY ANGELO REYES

ELY SALUDAR

INVESTIGATIVE JOURNALISM

LILIA TOLENTINO

LOCKHEED MARTIN

LOCKHEED MARTIN CORP

PANGULO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with