^

Bansa

SSS prexy hinimok na bawasan ng kalahati ang P10-M sahod bawat taon

-
Hinimok ni dating Senador Ernesto Herrera si Vitaliano Nañagas II, presidente ng Social Security System (SSS), na mag-boluntaryong bawasan ng kalahati ang P10 M sinasahod nito kada taon.

Ang SSS na mayroong 57 senior executives ay kumikita ng umaabot sa P 118 milyong piso sahod, allowances at mga benepisyo kada taon.

Hindi pa kasama dito ang "compensation package" para sa walong miyembro ng Social Security Commission (isang governing body ng SSS) at si Nañagas ay isa sa miyembro dito.

Bukod sa Chief Executive Officer (CEO) at tatlong executive vice presidents, naka-payroll din sa SSS ang 6 na senior vice presidents, 15 vice presidents at 32 assistant vice presidents, na ang sahod at mga benepisyo ay mas malaki pa sa kapareho nilang posisyon sa pribadong sektor.

Sumasahod kada buwan ng P 408,000 ang executive vice president at P 300,000 naman kada buwan ang vice president.

Maliban sa P 10 milyong sahod kada taon ni Nañagas ay mayroon pa siyang sinasahod bilang board of director ng San Miguel Corporation,Philippine Long Distance Telephone Co., Equitable PCIBank Corporation at iba pang mga establisyimento na kung saan ang SSS ay mayroong investment. (P.R.)

BUKOD

CHIEF EXECUTIVE OFFICER

PHILIPPINE LONG DISTANCE TELEPHONE CO

SAN MIGUEL CORPORATION

SENADOR ERNESTO HERRERA

SOCIAL SECURITY COMMISSION

SOCIAL SECURITY SYSTEM

VITALIANO NA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with