GMA bibisita sa Malaysia

Nakatakdang bumisita ang Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa Malaysia sa darating na Agosto sa paanyaya ng pamahalaang Malaysian.

Ang Malaysia ang siyang kauna-unahang bansang bibisitahin ng Pangulo mula nang ito’y maluklok sa puwesto noong Enero 20 at nakatakda rin siyang dumalo sa pulong ng APEC sa Shanghai, China sa darating na Nobyembre.

Ang imbitasyon sa Pangulo ay ipinaabot ni Malaysian Defense Minister Najib Abdul Razak nang bumisita ito sa Malacañang noong Hunyo 30 kasama si Malaysian Ambassador to the Philippines Mohd Arshad Manzour Hussain at iba pang matataas na opisyal ng militar ng Malaysia. (Ulat ni Lilia Tolentino)

Show comments