Ito ang sinabi kahapon ng militanteng Kilusang Mayo Uno (KMU) at Bayan Muna kaugnay sa ipinahayag na simpatiya ni Sandiganbayan Associate Justice Anacleto Badoy para sa dating Presidente.
Ayon kay Crispin Beltran, pinuno ng KMU at Bayan Muna, hayagan umanong ipinakikita ni Badoy ang pagkampi nito kay Estrada nang sabihin nito na nasasaktan siya sa nangyayari kay Estrada.
Dapat umano ay sinarili na lamang ni Badoy ang kanyang personal na opinyon hinggil kay Estrada dahil tumatayo siyang hukom sa plunder case ng dating Pangulo.
Maaari rin umano itong magsilbing senyales na mapapawalang-sala si Estrada sa sandaling matapos na ang pagdinig sa kaso. Ang dapat umanong kaawaan sa ngayon ay ang mamamayang Pilipino at hindi si Estrada na diumanoy nagnakaw sa kaban ng bayan. (Ulat ni Malou Rongalerios)