Pinoy nag-overspeeding binaril ng Nevada Police
June 27, 2001 | 12:00am
Isang Pilipinong security guard sa Las Vegas, Nevada ang walang awang binaril at napatay ng isang kagawad ng Nevada police dahil lamang sa simpleng traffic violation.
Kinilala ang biktimang si Bernardo Caderto, 55, na nagtatrabaho sa CPS Security Agency sa Henderson City, Nevada. Siya ay naninirahan sa #2691 Hollow Vale, Henderson City.
Ayon sa report na itinawag sa PSN ng kasamahan ng biktima na ayaw magpabunyag ng pangalan, nangyari ang insidente noong Linggo ng hapon habang binabagtas ni Caderto ang 95 Freeway papunta sa kanyang trabaho.
Sinita umano siya ng pulis sa overspeeding at pinatabi ang minamanehong sasakyan sa gilid ng freeway.
Hindi nakuha ang pangalan ng pulis dahil ayaw umanong ibunyag ng Nevada Police Department (NPD).
Iminamatuwid ng NPD na nagbunot ng kutsilyo ang biktima at nanlaban kaya binaril.
Gayunman, itinuturing pa ring krimen ang ginawang pamamaril ng pulis dahil hindi maaaring barilin ang sino man kung ang sandata ng huli’y kutsilyo lang.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 18, 2024 - 12:00am