^

Bansa

Governor-elect Barbers malamang di makaupo sa pagpeke ng citizenship

-
Pinangangambahang matanggal bilang Surigao del Norte Governor-elect si Robert Lyndon Smith Barbers, anak ni Sen. Robert Barbers, dahil sa deportation case na kinakaharap nito sa Bureau of Immigration and Deportation (BID) hinggil sa umano’y pamemeke nito ng kanyang nationality.

Batay sa isinumiteng 10-pahinang reklamo na isinampa ni Engr. Ernesto Matugas sa pamamagitan ng abogado niyang si Atty. Homobono Adaza, inakusahan nito na isang American citizen si Barbers at mismong US Embassy ang nagdeklara na ito ay isang naturalized US citizen at holder ng US passport No. 14738741.

Sinasabing umalis patungong Los Angeles si Barbers at ginamit nito ang kanyang US passport simula December 1995 hanggang April 1996.

Wala rin umanong Alien Employment Certification mula sa Department of Labor and Employment si Barbers kaya dapat itong agad ideport dahil sa paglabag sa Philippine Immigration Law.

Kinondena rin ni Adaza ang Comelec dahil hindi nito inaksyunan ang petisyon na kumukuwestiyon sa citizenship ni Barbers bago pa ang halalan kaya naging malaki tuloy ang problema ng manalo ito. Pawang peke umano ang isinumiteng dokumento ni Barbers sa Comelec kaya napahintulutan itong tumakbo noong nakaraang halalan.

Bukod sa deportation, posible ring masampahan ng kasong perjury si Barbers, gayundin ng paglabag sa Omnibus Election Code. (Ulat ni Jhay Mejias)

ALIEN EMPLOYMENT CERTIFICATION

BARBERS

BUREAU OF IMMIGRATION AND DEPORTATION

COMELEC

DEPARTMENT OF LABOR AND EMPLOYMENT

ERNESTO MATUGAS

HOMOBONO ADAZA

JHAY MEJIAS

LOS ANGELES

NORTE GOVERNOR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with