^

Bansa

2 Abu pinugutan, sinunog ng mga residente

-
ISABELA, Basilan - Napundi na ang mga residente dito at ang galit ay umabot na sa sukdulan bunga ng karumal-dumal na pamumugot at walang humpay na pagdukot ng Abu Sayyaf, at bilang ganti, dalawang bandido na kanilang nahuli ang pinugutan ng mga residente at ginawang barbercue.

Sa tindi ng nararamdamang poot ay hindi na itinurn-over ng mga residente ng Tairan, Lantawan sa mga awtoridad ang dalawang nasakoteng Abu Sayyaf members at matapos mahuli ng buhay ay iginapos, itinali sa kahoy at tinorture bago sinilaban.

Nabigo ang militar na kilalanin ang mga bandido dahil sa mistulang uling na ang mga bangkay nito.

Sa panayam kay Southern Command spokesperson Col. Danilo Servando, kapag napatunayang kabilang sa mga may patong sa ulo ang naturang mga Sayyaf members ay maaari pang makatanggap ng reward ang mga residente ng Tairan na nakahuli sa kanila.

"We are not encouraging the civilians to do that, dahil na rin siguro sa matinding galit nila sa ginagawang hindi makataong pamumugot ng Abu Sayyaf kaya nagawa nila ‘yan," pahayag ni Servando.

Sa pahayag naman ng mga residente ng Lantawan, hindi umano mahalaga sa kanila ang reward ang nais umano ng mga ito’y iganti ang pagkakapugot ng mga bandido sa mga bihag na sina Primitivo Falcasantos at Crisanto Suela.

"Buhay ang kanilang inutang, buhay din nila ang magiging kabayaran. Mata sa mata, ngipin sa ngipin at magkakaubusan na ng lahi," nagkakaisang pahayag ng galit na mga residente.

Sa kasalukuyan ay hindi pa nakikita ang mga ulo nina Falcasantos at Suela. Ang dalawa ay kapwa trabahador sa Golden Harvest coconut plantation at kabilang sa 15 kalalakihang manggagawa na binihag ng grupo ni ASG lider Kumander Isnilon Hapilon noong Hunyo 11 sa Barangay Tairan, Lantawan na ginawang pananggalang sa pagtakas. (Ulat ni Rose Tamayo)

ABU SAYYAF

BARANGAY TAIRAN

CRISANTO SUELA

DANILO SERVANDO

GOLDEN HARVEST

KUMANDER ISNILON HAPILON

LANTAWAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with