Sayyaf sumulat kay GMA, gustong makipagnegosasyon
June 19, 2001 | 12:00am
Unti-unti na umanong nararamdaman ng Abu Sayyaf ang pressure ng pinatinding operasyon ng militar na desididong mabawi ang mga bihag, dahilan para umapela na sila sa gobyerno sa pamamagitan ng isang sulat, na nais na nitong makipag-usap sa pamahalaan.
Ayon kay Presidential spokesman Rigoberto Tiglao, nakasaad sa ipinadalang liham ng Abu Sayyaf sa pamamagitan ng pinalayang bihag na si Atty. Francis Ganzon na ang pagpapalaya kina Ganzon at Kimberly Jao ay walang kondisyon at bilang pagpapakita ng kagandahang loob para sa pagbubukas ng negosasyon.
Sinadya umanong pakawalan ng mga bandido ang dalawa para magdala ng mensahe sa ikalulutas ng Dos Palmas hostage incident.
Dahil dito, inatasan ni Pangulong Arroyo ang negosyador ng pamahalaan na si William Castillo na agad makipag-ugnayan sa Abu Sayyaf, pero nilinaw nito na nananatili ang posisyon ng gobyerno hinggil sa unconditional release ng mga bihag, no ransom policy at hindi ititigil ang operasyon ng militar.
Tumanggi si Tiglao na pangalanan kung sinong nakalagda sa sulat. (Ulat ni Ely Saludar)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest