Ilang opisyal at miyembro ng ASG susuko?
June 18, 2001 | 12:00am
Nagpahiwatig ng pagsuko ang ilan pang matataas na opisyal at miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) sa pamahalaan sa pamamagitan ng mga kamag-anak na nakikipag-ugnayan sa Department of Interior and Local Government (DILG).
Ayon kay Mr. Romy Sayaman, trustedman ng bagong DILG Assistant Secretary Abraham Iribani na maraming kaanak ng matataas na opisyal ng ASG ang nakipag-ugnayan ngayon kay Asec. Iribani para sa nakatakdang pagsuko ng mga ito.
Malaki ang tiwala ng muslim community kay Asec. Iribani dahil ito ay isang tunay na muslim kaya ito ang kanilang pinili para sa pagsuko ng kanilang mga kaanak na ASG.
Si Iribani ay naging emisaryo ng Moro National Liberation Front (MNLF) sa MNLF-GRP Peace Agreement noong 1996 bukod sa pagiging consultant nito sa Mindanao Peace Process mula noong 1999 hanggang sa kasalukuyan. (Ulat ni Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest