July 1 registration para sa mga bagong botante
June 14, 2001 | 12:00am
Inaasahan ang pagdagsa ng tinatayang 4-milyon bagong mga botante matapos itakda ni Comelec Chairman Alfredo Benipayo ang July 1 registration para sa mga kabataan na nabigong makaboto nitong nakaraang May 14 national elections at lahat ng mamamayan na may edad 18 paitaas na hindi pa nakakapagparehistro.
Nabatid kay Benipayo na sisimulan ng Comelec ang kanilang continuing registration sa unang araw ng Hulyo para sa mga hindi pa nakakapagpatala bilang lehitimong botante, at matatapos 120 araw bago ang isang regular election o 90 days bago ang isang special polls.
Magtungo lamang ang mga nais magparehistro sa mga tanggapan ng registrar ng Comelec local offices sa mga bayan, munisipyo at lungsod sa buong bansa simula sa alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon, Lunes hanggang Biyernes.
Pinag-aaralan rin ng Comelec ang isasagawang paglilinis para purgahin ang opisyal na talaan ng mga botante gaya ng flying voters, double registrant, mga lumipat na ng tirahan at patay na botante na nananatiling nasa listahan. (Ulat ni Andi Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest