Taktika ng militar vs Abu mahina
June 13, 2001 | 12:00am
Binatikos ng militanteng Kilusang Mayo Uno (KMU) ang pamahalaan, partikular ang Armed Forces of the Philippines dahil sa umanoy mahinang pamamaraan nito sa pakikitungo sa mga bandidong Abu Sayyaf.
Sa pahayag ni KMU spokesperson Sammy Malunes, ang pagsusumikap ng gobyerno na durugin ang Abu Sayyaf ay nagiging kaduda-duda na dahil kasalukuyan pa ring nakakalaya ang nasabing teroristang grupo.
Ayon kay Malunes, buong puwersa na ng AFP ang tumutugis sa mga terorista at maging FBI at CIA ay sangkot na rin, pero kahina-hinala kung bakit nakakawala pa rin ang Abu Sayyaf.
Hininala ng KMU na ang mahinang taktika ng militar na kontrolin ang nasabing teroristang grupo ay posible umanong sinasadya sa panig ng Arroyo government.
Kasabay nito ay nanawagan ang KMU sa pamahalaan na gumawa ng mas tiyak na kampanya laban sa mga bandido alang-alang sa mga bihag at mahihirap na residente ng Basilan.
Habang tumatagal anya ang pagkaantala sa pagdakip sa Abu Sayyaf ay lalong lumalawak ang panganib sa buhay ng mga hostages at sibilyan. (Ulat ni Mayen Jaymalin)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended