^

Bansa

Libya tutulong sa Pinas laban sa Sayyaf

-
Ikinokonsidera ng Malacañang ang alok na tulong ng pamahalaang Libya kaugnay sa nagaganap na hostage crisis sa bansa.

Sinabi kahapon ni Presidential Spokesperson Rigoberto Tiglao na nagpasabi na si Libyan leader Muammar Khadafi ng Libyan Embassy na handa siyang tumulong sa Pilipinas hinggil sa patuloy na labanan sa pagitan ng tropa ng pamahalaan at ng mga bandidong Abu Sayyaf sanhi ng panghohostage ng kapwa Pilipino at Amerikanong turista.

Ayon pa kay Tiglao, nagkausap sa telepono si Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo at Khadafi dahil na rin sa alok na tulong ng huli para sa hostage crisis sa Mindanao.

Gayunman, wala namang espisipikong tulong na inihayag si Khadafi para sa bansa kasabay ng pagkondena nito sa Abu Sayyaf Group kaugnay sa pagbihag sa tatlong Amerikano.

Nilinaw ni Tiglao, na ang anumang alok na tulong ng Libya at ng iba pang mga bansa ay hindi maaaring agad na tanggihan o ibasura ng administrasyong Arroyo.

Nilinaw naman ng Pangulong Arroyo kay Khadafi na sinisikap ng bansa na mailigtas ang mga bihag at madurog ang Abu Sayyaf sa pamamagitan ng patuloy na opensiba at operasyon ng militar sa Mindanao.

Sinabi rin ni Khadafi kay Arroyo na sumusuporta ang pamahalaang Libya sa no ransom policy nito laban sa bandidong Abu Sayyaf. (Ulat ni Ely Saludar)

vuukle comment

ABU SAYYAF

ABU SAYYAF GROUP

ELY SALUDAR

KHADAFI

LIBYAN EMBASSY

MINDANAO

MUAMMAR KHADAFI

NILINAW

PANGULONG ARROYO

PANGULONG GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with