House arrest kay Erap ibinasura
June 10, 2001 | 12:00am
Matapos ang isang buwan at limang araw na deliberasyon, tuluyan nang ibinasura ng Sandiganbayan ang petisyon nina dating Pangulong Estrada at anak nitong si Jinggoy na mapasailalim sa house arrest makaraang magpalabas ng unanimous decision ang 3rd Division ng nasabing anti-graft court kahapon.
Sa 14-pahinang resolution, sinabi ni Chairman Justice Anacleto Badoy Jr. na walang legal na basehan para ipagkaloob ang house arrest sa mag-amang Estrada.
Niliwanag ni Badoy na si Estrada ay itinuturing bilang isang ordinaryong mamamayan na naghihintay ng paghusga ng korte sa kasalanan at hindi bilang isang dating Pangulo ng bansa.
"No one is above the law, the law applies to all. Whether you are a former President or not, whether you are wealthy or poor, whether you are strong or weak if you are a detainee facing trial you must be treated equally and be confined in jail," pahayag ni Badoy.
Binanggit din ni Badoy ang section 3, Rule 113 ng Rules of Court, na ang Quezon City Jail ang akmang lugar para pagkulungan ng mga Estrada.
Gayunman, dahil sa siksikan na sa QC Jail ay nag-desisyon ang anti-graft court na sa Camp Crame idetine ang mag-amang Estrada.
Bukod sa kakulangan ng batas na nagpapahintulot sa house arrest, ipinaliwanag rin ni Badoy na labag ito sa Equal Protection Clause ng Constitution at 2000 rules ng criminal procedure na nagsasaad ng "political popularity is not a justification for house arrest."
Sa urgent motion for house arrest ng mag-amang Estrada na isinampa noong nakaraang May 4, hinihiling nito na i-detain ang dalawa sa bahay ng mga ito sa Polk st., North Greenhills, San Juan dahil ito ang "pinakaligtas" na lugar para sa kanilang detention.
Pero, sinabi ni Badoy na ang pamamalagi ng mag-ama sa Greenhills ay maaaring lumikha ng bulabog sa katahimikan ng mga residente sa lugar dahil na rin sa mga protesta ng kanyang mga tagasuporta o kritiko.
Kasabay nito, inatasan ng Sandigan sina Dr. Liberato Casison, head ng Department of Medicine at Dr. Salvador Flores, director ng Veterans Memorial Medical Center na agad magsumite sa korte sa loob ng 10 araw ng isang updated medical report hinggil sa health conditions ng mag-ama.
Napagkasunduan ng mga justices na ibalik sa lalong madaling panahon ang mag-ama sa Fort Sto. Domingo sa Sta. Rosa, Laguna bilang lugar ng kanilang confinement.
Sa panayam naman sa abogado ni Estrada na si Raymond Fortun, sinabi nito na gagawin nila ang lahat ng paraan para mapagbigyan ang kanilang kahilingan. (Ulat ni Angie Dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest