Matapos ang insidente ay tumakbo sa Overseas Welfare Administration Center sa Philippine Embassy compound sa Jeddah si Tejano na may dala umanong mga alahas at ipinagkatiwalang ipinatago sa isang runaway Filipino domestic helper na nasa center na kinilalang si Aireen Maso, 30, ng Cubao, Quezon City.
Pero nadiskubre ng Saudi police na nasa OWWA center si Tejano nang isang Arabong babae na pinagbentahan ni Maso ng mga alahas ay nagreport sa pulisya na nakaw ang mga alahas.
Isang raid ang ginawa ng pulisya sa OWWA center at naaresto sina Tejano at Maso.
Pinutol ang mga kamay ni Maso dahil sa umano’y pagiging kasabwat sa krimen at kasalukuyang nakakulong.
Napag-alaman na lahat ng umuwing Filipino domestic helpers ay runaway at nanuluyan sa center. Minamaltrato umano sila ng kanilang mga Arab employers at hindi pinasusuweldo.
Umalis sila ng Pilipinas ng walang pera, at umuwing walang laman ang mga bulsa. (Ulat ni Rey Arquiza)