^

Bansa

Pinay domestic helper pinugutan sa Saudi

-
Isang Pinay domestic helper ang pinugutan sa Jeddah, Saudi Arabia noong nakaraang June 1 dahil sa umano’y pagpatay sa kanyang among Arabo na nagtangkang humalay sa kanya. Sa pahayag ng 22 Filipino contract workers na bumalik ng bansa kamakalawa ng gabi, napatay sa saksak ng domestic helper na si Edan Tejano, 28, tubong Nueva Ecija ang kanyang Arab employer matapos siyang pagtangkaang gahasain.

Matapos ang insidente ay tumakbo sa Overseas Welfare Administration Center sa Philippine Embassy compound sa Jeddah si Tejano na may dala umanong mga alahas at ipinagkatiwalang ipinatago sa isang runaway Filipino domestic helper na nasa center na kinilalang si Aireen Maso, 30, ng Cubao, Quezon City.

Pero nadiskubre ng Saudi police na nasa OWWA center si Tejano nang isang Arabong babae na pinagbentahan ni Maso ng mga alahas ay nagreport sa pulisya na nakaw ang mga alahas.

Isang raid ang ginawa ng pulisya sa OWWA center at naaresto sina Tejano at Maso.

Pinutol ang mga kamay ni Maso dahil sa umano’y pagiging kasabwat sa krimen at kasalukuyang nakakulong.

Napag-alaman na lahat ng umuwing Filipino domestic helpers ay runaway at nanuluyan sa center. Minamaltrato umano sila ng kanilang mga Arab employers at hindi pinasusuweldo.

Umalis sila ng Pilipinas ng walang pera, at umuwing walang laman ang mga bulsa. (Ulat ni Rey Arquiza)

AIREEN MASO

EDAN TEJANO

ISANG PINAY

JEDDAH

MASO

NUEVA ECIJA

OVERSEAS WELFARE ADMINISTRATION CENTER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with