Ayon kay Dodi Limcaoco, tagapagsalita ng PPC, hindi na matitigatig ang malaking bilang ng boto na tinamo ni Recto na nagtamo ng 10,199,894 boto sa 12th place, sumunod si Honasan, 13th place na may 10,118,945 boto habang 9,385,490 boto naman kay Enrile na pumapalo sa 14th place. Umaabot na sa 98 mula sa 102 certificate of canvass o 96.10% ang nabilang na ng Comelec.
Sa kasalukuyan ay apat na canvassing returns na lamang ang hinihintay sa PICC na magmumula umano sa Eastern Samar, Maguindanao, Lanao del Norte at Lanao del Sur.
Inaasahang aangat ng konti sina Enrile at Honasan sa Eastern Samar at Lanao del Norte, pero ito ay mababalewala sa pagpasok ng mga boto galing sa Lanao Sur at Maguindanao.
Bunga nito, sinabi ni Limcaoco na tiyak na ang pagkapanalo ni Recto at hindi na puwedeng pigilan pa ang napipintong proklamasyon ngayon ng Comelec.
Sa latest Comelec tally as of 3:00 p.m. base sa 99 certificates of canvass o 97.10% ay no.13 si Recto habang umakyat sa no.12 si Honasan. (Ulat ni Jhay Mejias)