^

Bansa

Pondo ng intelligence operations bubusisiin ng Senado

-
Sasailalim sa imbestigasyon ng Senado ang umano’y mga ginastos ng militar sa kanilang intelligence operations laban sa mga rebelde sa bansa para malaman kung saan napunta ang pondo ng pamahalaan para sa operasyon ng militar laban sa mga rebel groups.

Ayon kay Senate President Aquilino Pimentel, mahalagang mailatag ng militar ang pinaggamitan ng pondo matapos na mandukot ng mga turista ang mga rebeldeng Abu Sayyaf sa Dos Palmas Resort sa Palawan.

Ikinadismaya ni Pimentel ang mga pangyayari kung saan nasayang lamang umano ang mga pagsisikap ng pamahalaan na durugin ang mga rebelde sa bansa sa pamamagitan ng paglaan ng sapat na puwersa at pondo para sa militar.

Kukuwestiyunin ng Senado kung bakit hindi natunugan ng militar ang pagsalakay ng mga bandido gayong sapat ang pondong nakalaan dito.

Para naman kay Sen. Rodolfo Biazon, chairman ng Senate committee on national defense and security, dapat bigyan muna ng sapat na panahon ang militar na gumawa ng aksiyon bago magsagawa ng imbestigasyon ang Senado. (Ulat ni Doris Franche)

ABU SAYYAF

AYON

DORIS FRANCHE

DOS PALMAS RESORT

RODOLFO BIAZON

SENADO

SENATE PRESIDENT AQUILINO PIMENTEL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with