'Cottage' ni Erap sa Veterans tuloy
May 23, 2001 | 12:00am
Pursigido si Pangulong Arroyo na ituloy ang pagtatayo ng cottage-type detention sa Veterans Memorial Medical Center (VNMC) para kina dating Pangulong Estrada at anak na si Jinggoy sa kabila ng mga pambabatikos sa kanya.
Sinabi ng Pangulo na hindi niya pinangungunahan ang desisyon sa house arrest petition ni Estrada dahil wala ito sa kontrol ng Malakanyang, pero pansamantala ay bibigyan ito ng tirahan sa loob ng nasabing ospital.
Nilinaw naman ni Justice Secretary Hernando Perez na ang itatayo sa Veterans ay hindi naman kulungan kundi opisina ng director ng VMMC. Gagamitin ito ni Estrada habang sumasailalim sa gamutan. (Ulat ni Lilia Tolentino)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended